‘Panalo ni Fyang hindi luto’

MAKARAANG manatili sa Pinoy Big Brother House nang 14 na linggo, umuwi ng kanyang bahay si Big Winner Fyang Smith na bitbit ang P1 milyong tseke at susi sa bagong house and lot.

Nakakuha si Fyang ng mahigit 30 percent na boto mula sa publiko para maungusan ang iba pang housemates na sina Rain Celmar (26.05 percent), Kolette Madelo (25.91 percent), at Kai Manitola (17.38 percent).

“I want to thank everyone supporting me since Day 1. I did it… I love you guys so much,” ani Fyang.

Todo-depensa naman ang mga tagasuporta ng dalaga sa mga nagsasabi na luto ang panalo nito.

“Botohan ang labanan sa PBB kaya kung gusto nyo manalo yung bias nyo need nyo bomoto at mag sayang ng pera para manalo.”

“Deserved mo iyan fyang naging totoo ka. Congratulations.”

“Expected na namin yan. Siya yung mas sikat sa batch nayan eh.”

“Congratulations our Clingy Fyang. Deserved to be a big winner dahil walang kaplastikan sa pamamalagi sa loob ng bahay ni kuya.”

“Deserve nmn tlaga ni Fyang. Khit influencer ka pa at may millions of followers kung di ka gusto nang mga tao di ka tlaga eboboto. Yung iba nga na hm dati, sikat na, artista, volleyball player, etc hindi nga nanalo kasi di binoto nang taong bayan. But look at Fyang, khit millionarya pa sya pero very humble parin. Yan ngustuhan nang mga tao sa kanya.”

“Daming Bitter, pag natalo manok nila LUTO ? Di nlng tanggapin na kahit anong gawin niyo mas maraming nagmamahal sa kanya.”