Pamilya Muhlach hindi tatantanan nang-abuso kay Sandro

KATARUNGAN ang sigaw ng mga kapamilya ni Sandro Muhlach, ang young actor na nasa gitna ng eskandalo sa GMA Gala 2024.

Galit na pahayag ng pinsan ni Sandro na si Luigi Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen:

“Subukan niyo kami ng gising.”

“Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop! We will fight for justice. #MENTOO,” hirit ng tiyahin niya na si Angela, kapatid ng amang si Niño.

Inilakip naman ni Andrew Muhlach ang post ng pinsang si Niño na “Inumpisahan Nyo Tatapusin Ko!” sa kanyang sentimento na “Justice will prevail.”

Nilagyan din ni Almira Muhlach, kapatid ni Aga, ng hashtag na #JusticeshouldPrevail ang kanyang Instagram stories.

“There is JUSTICE in GOD..For the wrath of God is revealed from heaven against all ungodliness and unrighteusness of men, who by their unrighteusness suppress the truth,” sabi pa niya.

Bago ang mga ito, tinawag ng stepmom ni Sandro na si Diane Tupaz na mga “baboy” at “demonyo” ang nang-abuso sa anak.

“Pinalaki at iningatan naming mabuti ang aming mga anak na puno ng pagmamahal at pag aaruga tapos wawalanghiyain lang ng mga kung sinong tao na nilamon ng kademonyohan sa katawan para magawa yung ganung klaseng kababuyan!” ani Diane sa social media post.

Dagdag ni Diane na lalaban sila kahit gaano pa kalaki ang kanilang katunggali.

“Hindi kami makakapayag na hindi namin makakamit ang hustisya! habang buhay na dadalhin ng anak namin yung kababuyan na ginawa nyo sa kanya! wala kaming pakialam kung sino kayo o kung sino ang poprotekta sa inyo!” wika niya.