BINUTATA ng aktor na si Marco Gumabao ang mga netizens na minaliit ang kakayahan niyang mamuno makaraan siyang maghain ng certificate of candidacy para tumakbo bilang kinatawan ng 4th Districf ng Camarines Sur.
Bago ito, ibinandera ni Marco sa Instagram ang mga larawan ng pag-file niya ng candidacy.
“Today marks a new journey. Para sa’kin, simula ‘to ng isang malaking yugto sa aking buhay. Panibagong simula na sigurado ako makaka gawa ng malaking epekto hindi lang para sa sarili ko, kundi sa buong 4th district ng CamSur,” aniya sa caption.
“Buo ang loob ko na lumaban para sa pagbabagong matagal nang inaasam, pagbabagong matagal na dapat pinaramdam sa Partido,” dagdag niya.
Ilang netizens naman ang nag-usisa sa kanyang mga kwalipikasyon bukod sa pagiging artista.
“Serious question though. What can you bring to the table? No background in politics. No proper education related to politics. Just because you can run and potentially win, gagawin mo,” sey ng isang kritiko.
Agad namang inilatag ni Marco ang kanyang academic background.
“With studies, I studied in Ateneo from prep to 4th yr then studied AB pysch in DLSU. I’m currently taking up Philippine governance, policy making and economics in UPNCPAG which I’m finishing this month,” sambit niya.
“I’m not here to say that i’m the smartest or I know it all, but one thing is for sure, my work ethic is something i’m very proud of. Masipag ako lalo na pag gusto ko ang ginagawa ko, maayos ako maki tungo sa tao and above all, i genuinely wanna help,” dagdag ni Marco.