TINAASAN ng kilay ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang social media post ni Daniel Padilla ukol sa paglilinis ng kapaligiran.
Sa Instagram story, shinare ni DJ ang larawan ng Pasig River na hindi na makahinga dahil sa dami ng basura.
“To leave the world better than you found it. Sometimes you have to pick up other people’s trash,” aniya sa caption.
Ilang netizen naman ang naniguro na pahapyaw ito ni Daniel sa ex-girlfriend na si Kathryn at kay Alden na umano’y nanliligaw sa huli.
Sabi ng mga ito:
“Bitter to hahaha.”
“May nlalaman ka pang hugot e wla nman kmi paki.”
“Ewwww papansin c cheater.”
“Sinu ba basura mo na pinagtityagaan ibang tao? Go straight to d point.”
“Ewwaann ko sayo!! Di ka naman Gold, makatrash to! tseh.”