Paglipat ni Bea sa GMA aprubadi ng ABS-CBN

NILINAW ni Bea Alonzo na may blessing ng dati niyang network na ABS-CBN ang paglipat niya sa GMA-7.


“When the deal was 99% final–it was the first-time that I met them via Zoom, my bosses. The next day I called my boss before in ABS-CBN who was Sir Carlo [Katigbak],” kuwento ng aktres.


Aniya, nag-goodluck pa ang mga ito sa kanya.


“I mean, being with them and so, you know, what he wished me well and that he wished me good luck,” ani Bea.


“Kasi, ganun naman talaga, hindi ba? Life must go on,” dagdag niya.


Kamakailan ay nagpahaging ang dalawang taga-ABS-CBN kay Be dahil dahil sa umano’y ginawa nitong pambibitin sa isang proyekto ng network nang lumipat ito sa GMA-7. –A. Mae Rodriguez