IPINANGTANGGOL ng businessman at social media personality na si Xian Gaza si Nadine Lustre na naba-bash dahil sa pag-eendorso nito ng gambling app.
Hirit ni Xian, kailangang dumiskarte ni Nadine dahil matumal ang proyekto ng aktres “at kung mayroon man eh papitik-pitik lang at sobrang barya ng TF. May mga loan na kailangang bayaran yung tao. May mga bills na kailangang habulin buwan-buwan. May lifestyle na kailangang i-maintain. May mga buhay din na umaasa sa kanya.”
Dugtong niya: “Ang hindi ko maunawaan eh kung bakit niyo ica-cancel yung tao ng dahil lamang sa isang post promoting a gambling platform? Kasi maraming maeengganyo? Maraming buhay ang masisira? In what way? Nag-livestreaming ba siya? Hindi naman.”
Ipinunto niya, tiyak malaki ang kinita ni Nadine sa nasabing promotional post.
“Yung lahat ng kinita niya from June 2022 to September 2024 ay kulang pa sa binigay sa kanya para sa isang project na ‘to. Bakit hindi niya tatanggapin?”
Kinonsensya naman ni Xian ang mga humuhusga sa desisyon ng dalaga.
“Napakalinis niyo naman pala. Napaka-righteous niyo. Yung buhay ng ibang tao ay iniisip niyo pero yung buhay ng celebrity ay hindi niyo cino-consider. Masyado na kayong woke. Lost in touch na kayo sa reality,” sabi niya.
“Nakasira ba siya ng pamilya by doing one promotional post? Hell no. Yung maglalaro lang diyan ay yung mga taong lulong na rin sa ibang platform kagaya ng Casinyeam. Kinakapos yung tao financially kaya dumidiskarte siya sa buhay sa marangal na paraan tapos iba-bash niyo pa at dudurugin ang mental health? Grabe naman kayo,” dagdag niya.
Iginiit pa niya na walang masama sa ginawa ni Nadine.
“Nang-scam ba siya? Nanloko ba siya ng kapwa? Hindi naman. Sana sa bawat ideyalismo na ating ipinaglalaban eh maging realistic din tayo paminsan-minsan. Boycottin niyo yung platform pero huwag niyo namang husgahan yung buong pagkatao ni Nadine ng dahil lamang sa isang bagay na magbibigay ng solusyon sa mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay.”