PINATULAN ni Parokya Ni Edgar frontman ang usaping i-ban ang Korean drama sa Pilipinas para tangkilikin ang mga local shows.
Chika ni Chito, dapat gumawa ng mas magandang shows para tangkilikin ang local.
“Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists,” ayon sa bokalista.
“Coming up with better shows and songs, is.”
Aniya, hindi pwedeng ipilit kung ano ang panoorin at pakikinggan ng mga Pilipino.
“As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts,” ani Chito. “Earn’ the support. Di pwedeng sapilitan.”
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada na kinokonsidera niya ang pag-ban sa mga Koreanovela dahil naapektuhan ng malaki ang lokal na produksyon.