Pacman hindi tututulan pangarap ng mga anak

HINDI hinahadlangan ng mag-asawang Sen. Manny at Jingkee Pacquiao ang pagpasok sa showbiz na kanilang mga anak.


Sa katunayan, ang senador pa mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng exposure ang mga ito.


Aniya, kung papayagan, ang gusto sana niyang makasama na nag-perform ang mga anak na sina Michael at Jimuel sa libreng concert na “Isang Tinig, Isang Lahi” na gaganapin sa Hunyo 26 at 27.


Layon ng concert na kumalap ng donasyon para sa mahihirap na Pilipino na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.


Ayon kay Manny, kailangang isabak sa ganitong klase ng pagtatanghal ang mga anak para mahasa ang kanilang talento.


“Suportado naman namin ang mga anak namin. Makita lang namin na mabuti para sa kanila, wala kaming tutol sa mga gusto nila,” sabi ng senador. –A. Mae Rodriguez