TRUE ba na tumataginting na P35 million ang talent fee ng aktres na si Kathryn Bernardo kada endorsement at P400,000 naman per taping day sa teleserye?
Ito ang shookt na tanong ng publiko makaraang iulat ng isang tabloid na nag-level up ang talent fee ni Kath matapos makipaghiwalay sa boyfriend na si Daniel Padilla.
Sa kasalukuyan ay humigit-kumulang nasa 30 ang active endorsements ni Kath kabilang ang Century Tuna, Bench, KFC, Shawarma Shack, Sunsilk, Ponds, Gatorade, Aivee Clinic, Uratex, Lays, Pepsi, TCL, AIA Philippines, Lazada, Biogesic, Fresh Philippines, Great Taste White, Real Me at iba pa.
Nito lang weekend, inanunsyo ni Kath na siya ang kauna-unahang Pinoy na Lancome brand ambassador.