P1,500 entrance fee sa theme park ni Daniel Padilla, hindi sulit?

MAY himutok ang ilang netizens na bumisita sa theme park na partly-owned ng aktor na si Daniel Padilla, ayon sa talent manager-vlogger na si Ogie Diaz, 

Sa kanyang online show na “Showbiz Updates” ay iniulat ni Ogie na hindi umano nasiyahan ang ilang mga nakapunta na sa J. Castles sa Tanauan, Batangas.

“May mga nagsasabing maganda raw. Mayroon namang nagsasabi hindi raw worth na ₱1,500 bilang entrance. Nababasa ko ‘yan, e. Kasi gustong makalikha ng grupo ni Daniel ng isang parang Disneyland siguro,” ani Ogie.

“Hindi naman niya maa-achieve ‘yung Disneyland na ang daming rides. Ito kasi mga illusion, mga magagandang ilaw. Hindi pa naman nakakapunta. Nakikita lang natin sa mga ka-picture-an,” aniya.

“Alam mo naman ‘pag theme park, akala nila lagi may rides. Pero siguro eventually, utay-utay lang naman. Unti-unti. Malay mo naman manganak nang manganak ang mga rides doon. And we cannot please everybody,” dagdag niya.