P100M home ni Jericho Rosales for sale

IBINEBENTA na umano ng aktor na si Jericho Rosales ang kanyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Marikina sa presyong nasa pagitan ng P80 million hanggang P100 million.

Sa kasalukuyan, ayon sa ulat ni Regee Bonoan ng Bandera, ay wala pang buyer ang all-white, minimalist property ni Jericho.

Sa nasabing bahay tumira nang ilang taon ang aktor at ang kanyang noon ay asawang si Kim Jones.

Chika ni Bonoan, nahihirapan daw ang broker na hanapan ng bibili ang bahay dahil sa presyo nito.

“Marami nang tumingin at gusto naman nila, kaso ang mahal daw,” sabi ng broker sa showbiz columnist.

Matatandaang ipinasilip ng arkitektong si Buji Libarnes (@bujibrownlegs) ang ilang bahagi ng bahay sa kanyang Instagram page ilang taon na ang nakakaraan.