OPM icon Coritha nasunugan, na-stroke

NANANAWAGAN ng tulong-pinansyal sa publiko ang partner ng singer na si Coritha na na-stroke matapos na masunugan.

Si Coritha ang singer na nasa likod ng mga OPM classics na “Lolo Jose,” “Oras Na,” Sierra Madre,” at “Gising Na, O Kuya Ko.”

Kamakailan ay binisita ng brodkaster na si Julius Babao si Coritha sa bahay nito sa Tagaytay. 

Bedridden ang dating singer, hindi makapagsalita at hirap sa paghinga kaya may nakakabit dito na nasogastric tube.

Ayon sa partner ni Coritha na si Chito Santos, bago na-stroke ay nasunugan ang singer kaya kinumbinse niya ito na tumira na lang kasama siya sa Tagaytay.

Maayos naman ang kanilang pagsasama, ani Santos, hanggang sa ma-stroke ito.

Sinabi ni Santos na nang isailalim sa CT scan ang singer ay napag-alaman na ilang beses na pala itong na-mild stroke pero hindi lamang napansin.

Nag-abot naman ng P50,000 si Julius para sa gamot at pagkain ni Coritha.