Ogie lalayasan na ni Liza Soberano

INAMIN ng vlogger-showbiz writer-talent manager na si Ogie Diaz na hanggang ngayong Mayo 31 na lang ang pagiging manager niya sa aktres na si Liza Soberano.

Sa kanyang online show, ibinahagi ni Ogie na maayos na nagpaalam sa kanya si Liza kaya wala siyang sama ng loob dito.

“Noong nag-zoom meeting kami, tinanong ko siya kung ‘Nak, gusto mo bang mag-renew sa akin?’ Tapos siyempre pag-iisipan niya ‘yan. So, sabi ko sa sarili ko, wala na akong utang sa sarili ko dahil nasabi ko na ang intensyon kong mag-renew.”

Nagpaalam sa kanya si Liza sa pamamagitan ng Viber.

“Pero nag-decide na si Liza na hindi na mag-renew thru a long viber message. Magalang naman ‘yung bata,” sey ni Ogie.Tinanggap naman niya nang maluwag sa dibdib ang desisyon ng alaga.

“Kapag may nagpapaalam sa akin na aalis na, go, go! Ang sini-save ko kasi ‘yung friendship. Kasi alam mo ‘yung haba ng panahon na pinagsamahan ninyo, hindi mo dapat sayangin ‘yun. HIndi doon nagtatapos ang relasyon,” sabi ni Ogie.

“Hindi na po masama ‘yung 11 years na pagsasama na nabuo naming relasyon ng bata bilang ako ‘yung pangalawang ama niya,” dagdag niya.Si Ogie rin ang dating talent manager nina Vice Ganda at Raffy Tulfo.

Si James Reid na ang bagong manager ni Liza.