Ogie kinumpirmang tatay na si Albie

ISINIWALAT ng showbiz insider na si Ogue Diaz na mayroon nang anak ang aktor na si Albie Casino.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog ay sinabi ni Ogie na “proud na proud” si Albie sa kanyang panganay.

“Si Albie Casino. Proud siya! Sabi niya sa akin, ‘hintayin mo muna akong makaalis (pa-US bago ibalita’,” ani Ogie sabay dagdag na bibisitahin ng aktor sa US ang kanyang mag-ina.

“Pero proud siya at first apo ‘yan sa side ni Albie at first apo sa tuhod,” dagdag niya.

Sinabi ni Ogie na nakita na niya mismo ang baby.

“Nakita ko napakaguwapo at hawig din kay Albie in fairness. Sobrang tuwang-tuwa si Albie hindi raw niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya,” sambit pa ng talent manager.

Hindi na idinetalye pa ni Ogie kung sino ang ina ng anak ni Albie bagaman sinabi niya na foreigner ito.

“Kasi nga ang kanyang dyowa ay isang foreigner at nanganak na nu’ng April 30. So, after nu’ng kanyang (Albie) palabas ay tumulak na pa-US,” sey niya.

“Para maramdaman niyang tatay na talaga siya dahil first time niyang makikita ‘yung kanyang anak,” dagdag ni Ogie.