Ogie Diaz: Hiwalayang Paolo Contis, LJ Reyes totoo

KINUMPIRMA ng writer/comedian na si Ogie Diaz na hiwalay na ang aktor na si Paolo Contis at aktres na si LJ Reyes.

“Feeling ko wala na, kahit hindi ko pa nakakausap si Paolo, feeling ko wala na sila,” ani Ogie.

Chika niya, kapag hindi sumagot si Paolo sa kanya kadalasan eh totoo ang usap-usapan.

“Yang ganyan na hindi ako sinasagot ni Paolo, tinatanong ko siya ‘huy! totoo bang wala na kayo, hindi siya sumasagot, feeling ko totoo,” kwento ng writer.

“‘Pag may ibang hanash, naka-text agad sa akin e, ngayon hindi… ‘Pag hindi totoo ‘yung akusasyon, nakasagot agad yan, so feeling ko, that answers my question,” dagdag pa niya.

Matatandaang naging usap usapan sa social media ang pag-unfollow ni Paolo kay LJ sa Instagram at pagbubura ng mga pictures ng asawa.