LABING-DALAWANG oras na-detain ang champion pole vaulter na si EJ Obiena sa airport sa Los Angeles dahil sa suspetsa na tinakasan nito ang batas sa Pilipinas.
Ayon sa ulat, hinarang ng mga agents ng Department of Homeland Security si Obiena pagdating mula sa Italy noong July 7 dahil may mga kaso umano itong pagdidispalko ng pera at pagpapalsipika ng public documents sa Pilipinas.
Hawak pa umano ng mga ahente ang kopya ng mga balita ukol sa akusasyon ng PATAFA laban kay Obiena
Pinakawalan naman si Obiena makaraan niyang makumbinsi ang mga agents na wala siyang tinatakbuhang kaso sa Pilipinas.
Nasa US si Obiena upang magsanay para sa
World Athletics Championships sa Eugene, Oregon.
“It was an unfortunate incident to be held in detention without fully understanding the basis,” aniya. “It definitely threw me off a bit. But it worked out. I’m back in training and focused on doing my best for my country.”
Naniniwala naman ang team na Obiena na mayroong mga indibidwal na ayaw itong makapasok ng US para lumahok sa paligsahan.