Nikko Natividad inakalang si Carlos Yulo, na-bash

NAWINDANG ang aktor na si Nikko Natividad nang  makatanggap ng pagpuna mula sa isang basher ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa Facebook, shinare ni Nikko ang screenshot ng comment ng isang netizen na pinangaralan siya ukol sa pamilya.

“Wala pa din kwenta yang gold medal mo kung wala kang pag papahalaga sa nanay mo!!” sabi ng netizen.

Hirit ni Nikko sa basher na inakalang si Yulo siya: “Bkss na kay nikkodaks na page ka🫣.”

Dahil sa pangyayari, na-realize ni Nikko na, “Pati pala sa comment na ro-wrong send😅.”