Nicco Locco magla-live selling ng briefs

HANDA ang controversial hunk actor na si Nicco Locco na mag-live selling kapag nailabas na sa susunod na buwan ang kanyang underwear line na “Locco Locco”.

Sa isang panayam, isinapubliko ni Nicco na willing siyang i-model ang mga briefs sa isasagawang live selling.

Ipinagmalaki naman ng actor-host na high-end ang mga materials ng kanyang briefs pero abot-kaya ng ordinaryong Pinoy.

Bago ito, sinabi ni Nicco na naisipan niyang magtayo ng undergarment business dahil sa dami ng natatanggap na offers mula sa fans na nagnanais na bilihin ang kanyang used briefs.

Idinagdag niya na mas mataas ang engagement ng isang post kapag naka-underwear siya sa isine-share niyang picture.