Netizens tinaasan kilay laman ng bag ni Sarah

NAINTRIGA ang publiko sa laman ng bag ni Sarah Lahbati sa photo na kasama si Kathryn Bernardo.

Deleted na ang larawan na kuha sa birthday party cum clinic anniversary ng dermatologist na si Dr. Aivee Teo.

Ispekulasyon ng netizens: condom o keratin o live resin with liquid diamond ito.

Hindi naman malinaw ang nakasulat sa pakete kaya hanggang haka-haka lang ang mga intrigera.

May ilan naman na kumumbinsi kay Sarah na ipakita ang pakete para matigil na ang mga marites.

Wala pang sagot ang estranged wife ni Richard Gutierrez.