Netizens nawindang sa paghihiwa ng kalabasa ni Beauty Gonzalez

UMANI ng reaksyon ang paraan ng paghihiwa ng kalabasa ng aktres na si Beauty Gonzalez. Shinare ni Beauty sa Instagram ang video kung paano siya maghiwa ng kalabasa na nilakipan niya ng caption na “How to Kill a Kalabasa.”

Naloka ang ilang netizens dahil sa kakaibang klase ng paghihiwa ng aktres habang ipinagtanggol ito ng mga fans.

“Kawawa naman ang ung may mga OCD sa ganyang pagkakahiwa madam.”

“Ako lang ba ung natakot sa way mong maghiwa?”

“Naiinis ako sa yo pero dahil maganda ka hinayaan ko na lang.”

“Kita mo naman na hirap na hirap yung tao. Kung saan siya comfortable sa paghiwa. Leave her alone. Hindi naman siya nagpahiwa sa iba at nagmamando pa kung anong klaseng paghiwa dapat.”

“Mga day, hayaan nyo siya kung paano niyang gustong hatiin ang kalabasa. Hnd naman kayo ang bumili nyan.”

“Kanya kanyang style ng paghiwa ng gulay. Kung ano madali . May batas ba na dapat sundin sa paghiwa ng kalabasa?”