Netizens naintriga sa post ng anak ni Jose Manalo

HINDI lang isang kilay ang tumaas sa pag-post ng anak ni Jose Manalo ng larawan ng namayapa niyang ina sa araw ng kasal ng “Eat Bulaga” host.

Shinare ni Myki Manalo-Sia sa kanyang IG Story ang isang throwback photo nila ng kanyang mommy na si Annalyn Santos kasabay ng kasal ng amang si Jose at dating EB Babe na si Mergene Maranan nitong Martes, December 17, sa Boracay.

Kalakip ng larawan ang kantang “Sana Ngayong Pasko” ng singer na si Ariel Rivera.

Si Myki, isang doktor sa Capitol Medical Center, ang panganay sa limang anak nina Jose at Annalyn.

Kabilang pa sa mga anak ng dalawa ang mga aktor na si Benj at Nicco, ang accounts manager na si Ai, at ang musician na si Colyn.

Bago pa sumakabilang-buhay si Annalyn noong 2022 ay hiwalay na ito kay Jose.

Reaksyon ng publiko sa post ni Myki:

“Hayaan niyo na ang anak ni Jose baka namimiss lang niya ang nanay niya masakit din yan sa kalooban nila bilang anak.”

“Hindi ako basher…bakit sinabay sa araw ng kasal yang pic?”

“Every now and then nagpopost talaga sya pag naalala nya Nanay nya. Normal lang yan. Ginagawa din natin yan.”

“Of course walang makakapalit sa Isang nanay sa puso ng anak.”

“I respect your feelings. But respect should be given also to the man who raised you. He is your father after all. Peace be with you.

Go to the Healer, the Great One.”