IGINIIT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special treatment para sa aktres at negosyanteng si Neri Naig na nakakulong sa Pasay City Jail.
Ayon kay Supt. Jayrex Bustinera, BJMP spokesperson, bago pinayagang magpa-medical evaluation sa pagamutan nitong Biyernes ay nakahalo si Neri sa iba pang detainees.
“Limited lang po talaga ang space doon. Nasa 150 PDL doon so nakasama na niya ‘yung ibang PDLs,” pahayag ni Bustinera.
Ikinulong si Neri sa city jail makaraang arestuhin ng mga pulis noong Nobyembre 23 dahil sa mga kasong 14 counts ng violation sa securities regulation code at syndicated estafa.