Neri Naig, Chito Miranda ikinumpara kina Mary, Joseph

NA-touch ang publiko sa ibinahagi sa social media na Christmas greeting at family photo ng pamilya ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Sa Instagram ay nagpasalamat si Chito sa mga taong nagmamahal sa kanilang pamilya, partikular sa asawang si Neri Naig na ilang araw nakulong dahil sa mga kasong syndicated estafa at paglabag sa securities regulation code.

“Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin. Sila po talaga ang pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord,” ani Chito.

Komento ng netizens na nabagbag ang damdamin sa mensahe ng singer:

“Just like the story of Joseph and Mary, for all hurdles, hardships, sufferings at the end of the day God will always give hope for those who keep the faith and continue to give unending love. God bless you.”

“Sabi sa homily kanina wag panghinaan ng loob kasama natin si Lord sa mga pagsubok di nya tayo pababayaan… Merry Christmas. God is good, hugs Miranda fam.”

“Masaya kami that your family is complete this Christmas. God bless your heart, Neri and God bless your family.”

“Merry Christmas Idol and sa Family Salamat at magkakasama kayo. Nakakaiyak.”