Nash, Mika ready na sa baby no. 1

SHINARE ng bagong-kasal na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz ang paglabas nila ng bansa para sa kanilang honeymoon.

Sa Instagram, ipinost ni Mika ang photo ng mga kamay nila ni Nash sa bintana ng eroplano.

“[Honeymoon] era begins,” ani Mika sa caption.

Ikinasal sina Nash and Mika nitong Mayo 18.

Dahil tila minadali ang kasal, haka-haka ng ilang netizens ay buntis na si Mika.

Agad naman itong itinanggi ng ate ni Mika na si Angelika dela Cruz.

“My sister is not pregnant. Please make sure to verify before posting. Thank you,” ani Angelika.