Nanay ni Anne Curtis, BF nag-celebrate ng 34th monthsary

IBINANDERA ni Carmen Curtis-Smith, ina ng mga aktres na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith, na going strong ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jayde Estudillo.

Sa Instagram, flinex ni Mommy Carmen ang mga bulaklak na bigay ni Jayde para sa kanilang ika-34 na monthsary.

Chika niya, mismong si Jayde ang nag-ayos ng mga bulaklak. “Thank you my hinigugma sa beautiful flowers you made with your own hands,” sey niya.

“Thank you for looking after me in the hospital and thank you for your love every day,” dagdag ni Mommy Carmen. “Happy Monthsary.”

Ipinagsigawan naman ni Jayde sa kanyang IG account ang pagmamahal niya sa mommy nina Anne at Jasmine.

“Bahalag hukman ko sa mga kadaghan tao nakapalibo’t kanato bahala sila…! Wala ko l..a..b..o..t mag-ogot sila sa kasuya..! Ikaw ug ako laban nila..!! Against all odds..! Happy 34th monthsary lovelab ko,” sabi niya.

Nagpasalamat din si Jayde sa unti-unting paggaling ng girlfriend. “Thank god..! She’s getting better and better!”