ISINAPUBLIKO ng aktres at social media star na si Ivana Alawi na dahil sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay nalagay siya sa bingit ng kamatayan.
Ikinuwento ni Ivana sa YouTube vlog ang pagkakaospital niya na kung saan ay naranasan niyang hindi halos makahinga, naninigas ang buong katawan at tumitirik na ang mata.
Ani Ivana, na ngayon ay nagpapagaling na, ito na ang kanyang ikalawang buhay.
“Meron akong problem sa ovaries and that’s how it started and I also have PCOS,” simula ng dalaga.
Narito ang kabuuan ng kanyang salaysay:
“Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko wala na talaga ako. Nagpapunta na lang ako ng ospital nung hindi ko na kaya. I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tyan ko, mukha akong five months pregnant.
“Ta’s nung padulo na parang patigas na siya nang patigas ta’s anlaki. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga. Konting lakad ko lang parang hihimatayin ako, nanlalamig na ‘yung buong body ko tapos tumutirik daw ‘yung eyes kong ganun.
“Pina-confine na ako and then hindi ako gumagaling, parang ang tigas, hirap na hirap ako huminga. Yung last time na parang sabi ko hindi ko na kayang huminga, feeling ko kada hinga ko para akong nalulunod. I felt like the liquid was already getting into my lungs. Tapos parang sabi ko, ‘Butasan niyo na ako’.
“So ‘yun, pinasok nila ‘yung tube and then they started to drain. Tapos meron daw two liters, pinupush na daw ‘yung lungs ko that’s why nahirapan ako. So hindi naman nila ma-drain yung two liters. One liter muna and then installment, parang every eight hours ‘yung iba.
“Three days akong nakahiga, as in walang tayuan. Pati ‘yung bladder ko wala nang lumalabas na ihi. And then ‘yung heart ko, masyado nang mabilis ‘yung tibok. Hindi na din ako nakaka-poops. Wala, lahat naiiipit na sa body ko. Nagkaroon ako ng doktor sa puso, doktor sa lungs, doktor sa gastro, doktor sa nepro. Lahat ng doktor, dinadalaw ako nang dinadalaw.”
Hindi pa tuluyang nakarerekober ang aktres pero umaasa siyang magtutuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.
“I’m still recovering, hindi pa 100% okay. Gusto kong mag-thank you sa lahat ng work ko na pumayag na mag-reschedule and also, sa lahat ng nag-message at nag-pray for me. Thank you so much, guys,” sambit ni Ivana.