Nadine Samonte ‘naapi’ sa gala; publiko awang-awa

PINAGDISKITAHAN ng netizens ang GMA-7, ang artist center nito na Sparkle at ang organizers ng GMA Gala 2024 dahil sa sinapit ng aktres na si Nadine Samonte.

Sa video na shinare niya kay Ogie Diaz, isinalaysay ni Nadine ang treatment na natanggap niya sa nasabing event na ginanap noong Sabado.

Ani Nadine, invited siya sa naturang pagtitipon na ilang buwan niyang pinaghandaan at pinagkagastusan.

“Nung binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige It’s okay,” sabi niya. Nagulat na lang siya pagpasok ng venue nang malaman na wala siya sa guest list.

“And then pagdating ko doon, my name was not on the list. Okay, sabi ko pero nag-RSVP po ako. My handler was there also. Tapos sabi, ‘E wala ka po dito. Ano po bang apelyido?’ Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na,” sambit niya.

Pinapasok naman siya pero dahil walang nakareserbang mesa para sa kanya, napilitan siyang pumuwesto sa bandang likod kung saan siya lang, kasama ang dalawang lalaking hindi niya kilala, ang nakaupo.

Doon, aniya, ay dinaan-daanan lang siya ng mga tao.

“It was dulong-dulong table, and walang nakaupo doon, ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa akin na parang ‘Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?'” sey ng aktres.

Pahayag ni Nadine na sa sobrang awa sa sarili ay hindi na niya tinapos ang event.

“Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that’s the right word na parang ‘what happened?’ sey niya.

“My team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako ‘doon,” dagdag niya.

Bunsod nito, sinisi ng netizens ang GMA-7 sa anila ay pang-aapi sa isang home-grown talenrlt ng network.

“Such a shame from GMA staff who handled this event.” “Sakit nito! Tapos yung mga influencers na di naman nila talent andun.”

“Bakit sila namimbita kung di din naman pala nila papapasukin? What a cheap operation.”

“Ano yun, invited pero wala sa listahan? And hindi pa kilala si Nadine ng mga nag-aasikaso. Grabe naman yan. Kahit ako na oldie na sa GMA, magtatampo talaga.”

“Na-Eva Darren siya. Poor Nadine. maganda pa naman at magaling umarte.”

“Hindi ba Sparkle mismo ang naghahandle ng event? Paano nila namiss ang sarili nilang artista.”

“Jusko itong network na ito nagfocus sa mga vlogger na wala namang ambag kundi online views pero yung mga naging talents na minsang nagbigay ningning at kulay sa shows e di man lang nila matrato trato nang maayos.”