UMAPELA ang aktres na si Nadine Lustre sa pamahalaan na lumikha ng ‘bagong” Maynila para lumuwag-luwag naman ang National Capital Region.
Sa panayam ng Vogue Philippines, sinabi ni Nadine na nagtataka siya kung bakit nagsisiksikan ang mga tao sa Maynila.
“I find it weird na everyone wants to be in Manila. We’re so cramped up in this city. There are so many people here, para na tayong sardines here sa Manila. We’re so concentrated here kasi,” sey niya.
“I wish that eventually they would develop another city. Or another province so that we become decentralized,” pahayag ni Nadine, isa sa mga covers ng Vogue Philippines ngayong International Women’s Month.