DISMAYADO ang aktres na si Nadine Lustre at boyfriend nitong si Christophe Barlou sa ginawang pagdidispley ng katawan ng namatay na elepanteng si Mali sa Manila Zoo kung saan ilang dekada itong nakakulong.
Sa kani-kanilang Instagram account ay pinuna nina Nadine at Christophe ang desisyon ng mga otoridad na ibalik sa zoo ang katawan ni Mali na isinailalim sa taxidermy.
Ang taxidermy ang isang proseso para ma-preserve ang katawan ng hayop para pag-aralan o gawing display.
Sentimento ng dalawa, sana ay inilibing na lang ang elepante dahil mahigit apat na dekada naman itong pinagkakitaan.
“Mali’s legacy deserves respect, not display. Let her rest in peace!!!” talak ni Nadine.
Sabi naman ni Christophe: “Even after her death, you choose not to show the minimal decency that Mali deserves, despite her lifetime of suffering. Shame on you.”
Matatandaang namatay si Mali noong November 23 dahil sa sakit sa puso na dulot na rin ng cancer.