IBINIDA ng Star Cinema na umabot na sa mahigit P400 milyon ang kinita ng Metro Manila Film Festival entry ni Vice Ganda na “And The Breadwinner Is.”
“Winner ang inyong pagmamahal at kabog ang inyong patuloy na suporta!” ayon sa statement ng Star Cinema, ang film production outfit ng ABS-CBN.
“Maraming salamat for the unkabogable love as ‘And The Breadwinner Is’ has already earned over P400 Million as of January 15, 2025,” dagdag nito.
Base sa ibang ulat, wala pa sa kalahati nito ang hinamig sa takilya ng mga pelikula na nasa ikalawa at ikatlong puwesto sa MMFF box office: ang “Kingdom” ni Vic Sotto at “Green Bones” nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Samantala, ipinaliwanag ni Vice kung bakit tinatangkilik ng publiko ang kanyang mga pelikula.
“Maraming nagtatanong kung bakit maraming pumipila sa mga pelikula ko lalo na tuwing Pasko. Ito po ang sagot. Dahil po ako at ang masa ay may ugnayan. May relasyon. Nagkakaunawaan kami. Nagmamahalan. lisa ang lenggwahe namin. lisa ang pulso. Nagkakaintindihan. Kaya’t di namin iniiwan ang isa’t isa anuman ang mangyari,” aniya.
“Yan din ang dahilan kung bakit maraming nakarelate sa #AndTheBreadwinnerls. Dahil totoong istorya nila ito. Kwento ng aming mga pamilya. Masa ang nagbibigay sakin ng tagumpay. Sila ang pamilya ko. Kaya sa masa labis labis ang pagmamahal at pasasalamat ko!” dagdag ng “It’s Showtime” host.