NAKAKALADKAD sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings ang Metro Manila Film Festival entry ni Vice Ganda na “And The Breadwinner Is…” kung saan kabilang ang dalawa sa cast.
Ngayong araw ay iniulat na hindi kasali ang magka-loveteam sa grand presscon ng pelikula na nakatakda ngayong araw.
Wala namang ibinigay na rason ang Star Cinema kung bakit hindi makakasama ang dalawa sa pagharap sa press ng cast na kabilang din sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Malou de Guzman, Kokoy de Santos, MC Muah, Lassy Marquez, Via Antonio, Kiko Matos, at Argus Aspiras.
Bago ito, ilang netizens ang nagpahayag na iboboykot nila ang pelikula dahil sa isyu ng umano’y pagtataksil nina Maris at Anthony sa kani-kanilang mga karelasyon.
Komento ng mga nagsabing hindi nila tatangkilikin ang pelikula:
“Boycott this show!!! Maris Racal and Anthony Jennings are trash in the industry! Sorry @vicegandako next christmas nalang.”
“I feel so sad for Vice Ganda @vicegandako kasi iboboycott ng mga Pilipino ang movie niya which stars Maris Racal and Anthony Jennings. Sorry And The Breadwinner Is.”
“Boycott Maris, Anthony, and all the fckng cheaters.”
“Rooting pa naman ako kay Meme Vice sa MMFF kaso bigla naman nagka issue tong si Maris at Anthony.”
“Iba na yung maiisip ko kung manonood pa akong And the breadwinner is… since nandon si maris & anthony.”