Mommy ni Derek Ramsay nabalian ng buto

SUMAILALIM sa operasyon ang ina ni Derek Ramsay makaraan itong mahulog at mabalian ng buto ilang araw na ang nakararaan.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Derek na nabali ang buto sa braso ng kanyang Mommy Remedios kaya agad itong isinugod sa pagamutan.

Kalakip ng post ang larawan ni Mommy Remedios sa ospital at ang mga X-ray images bago at matapos ang operasyon.

“The other day, my mom took a bad fall and broke her forearm,” ani Derek.

“Seeing her fall and seeing her in so much pain was the scariest moment of my life. My mom is a strong woman, so it was difficult to see her screaming and crying due to the pain,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, dagdag ng aktor, ay nagpapagaling na ang ina kaya nagpapasalamat siya aa mga doktor at nurse na nag-alaga sa matanda.

Nag-thank you rin siya sa mga nagdasal para sa kanyang ina.

“Thank you, Lord, for answering all our prayers! Mom is back to putting on her own makeup, which is definitely a good sign!!” pahayag ni Derek.