Moira moving on na: Malaya ako

NASA healing stage na si Moira dela Torre matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.

Sa panayam sa “Magandang Buhay” ngayong araw, sinabi ni Moira na kahit dinaramdam pa rin niya na nauwi sa wala ang kasal nila ni Jason, nagmu-move-on na siya.

“Pwede pa lang magsabay ‘yung grieving, pati ‘yung healing,” ayon sa singer-songwriter.

“Na parte pala nung grieving ‘yung healing. Na puwede pa rin pala akong maka-experience ng joy sa umaga, kahit umiiyak ako sa gabi. And I didn’t expect it to be like this, but I realized na ‘yung what the enemy does for harm, the Lord turns into beautiful things,” paliwanag pa niya.

Inamin din niya na sinisi niya ang sarili sa pagtatapos ng samahan nila ng asawa.

“Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging yun ang initial reaction ko. I always say, ‘What did I do wrong?’ So, especially now, ‘Saan ba ako nagkulang?’ Dati, akala ko, ‘yung paubaya kanta ko lang,” pahayag niya.

“Pero tinatanong naman talaga natin ‘yung sa sarili natin saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang, hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman,” dagdag ni Moira.

Sinabi rin ng singer na hindi niya inasahang maghihiwalay sila ni Jason, pero naniniwala siya na may plano ang Diyos para sa kanya.

“I also know na God makes all things beautiful in His time. Yun talaga ang pinanghahawakan ko, na I may feel like a broken glass right now, but God [will] make me a diamond again. And I know I’ll be whole again,” aniya.

“And because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako,” aniya pa.

Mensahe niya sa estranged husband: “I know he’ll be whole again.”