ITINANGGI ng management ni Moira dela Torre na minaliit ng singer ang Bangsamoro queen of pop na si Shaira Alimudin kaugnay sa kanta ng huli na selos.
Ayon sa Cornerstone Entertainment, “fake news” ang viral quote kung saan kinakastigo ni Moira si Shaira at ang mga fans nito.
“We at Cornerstone Entertainment ask the public to refrain from sharing the fake quote and to be wary of any post that seeks to misrepresent the singer-songwriter’s true sentiments regarding any issue or topic of public discussion,” pahayag ng agency.
Ang tinutukoy nito ay ang kumalat na post kung saan sinabi umano ni Moira na, “FYI guys, si Lenka po ang original na kumanta hindi po si Shaira tempered glass.”
“Bakit ang hilig niyo i-tolerate yung mali?! Alam niyo ng mali yun pa yung pinapanigan niyo, kung tayo nga nagagalit na inaangkin ng ibang bansa yung lugar natin, diba so dapat nakaka-relate tayo kay Lenka, pero
bakit ang ending si Shaira ang tama at yung original ang mali,” mababasa pa sa quote.
Matatandaan na binura ang “Selos” sa mga streaming platforms dahil sa pagkakatulad nito sa kanta ng Australian singer-songwriter na si Lenka.