MMFF entry, sa 9 sinehan na lang mapapanood

MATAPOS magwagi ng limang awards sa Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal, dadami na kaya ang mga sinehan na magpapalabas sa musical na “Isang Himala”?

Matatandaan na inanunsyo sa Facebook nitong Biyernes ng direktor ng “Isang Himala” na si Pepe Diokno na siyam na sinehan na lang ang nagpapalabas sa pelikula.

“Just got the heartbreaking news that ‘Isang Himala’ is down to 9 cinemas… Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas!” balita ni Pepe.

“Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area,” dagdag niya.

Kasabay nito ay nanawagan din ang bida ng pelikula na si Aicelle Santos na unahing panoorin ang kanilang movie.

Sa katatapos na Gabi ng Parangal ay nagwagi ang “Isang Himala” ng Best Musical Score, Best Original Theme Song, Best Supporting Actress (Kakki Teodoro), Special Jury Prize, at 4th Best Picture awards.