Misteryo ng hindi pagde-delete ni Anthony ng convo nila ni Maris na-solve na!

MALAKING palaisipan sa publiko ang dahilan kung bakit sa kabila ng utos sa kanya ni Maris Racal na burahin ang palitan nila ng chat ay hindi ito tinanggal ni Anthony Jennings sa kanyang cellphone.

Ang nasabing mga chat ay ini-screen shot at isinapubliko ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jamela Villanueva.

Ayon kay Thailand-based Pinoy businessman at social media personality Xian Gaza ang motibo umano ni Anthony ay bragging rights.

“Mula sa ating very credible source: Hindi daw dine-delete ang mga messages kasi pinagmamalaki daw niya sa mga kaibigan niya na kina*** niya si celebrity girl,” pahayag ni Gaza.

“Trophy girlfriend kasi overwhelmed pa at ngayon lang ata naka-artista. That explains kung bakit yung mga sweet photos nila ay halos kuha lahat mula sa phone ni guy,” dagdag niya.

Galing ang impormasyon, sey pa ni Xian, sa isa sa mga nakapanood ng live niya nitong Miyerkules ng gabi.

“Kakatawag lang sa akin kasi napanood daw yung Live ko. Friend siya nung isang friend ni guy. Napasahan daw siya ng mga intimate photos nila sa isang Telegram GC na puro lalaki. Kaya pala hindi nagde-delete. Gets ko na ngayon,” sambit niya.