HINDI tuloy ngayong araw ang koronasyon ng Miss World sa Puerto Rico matapos magpositibo sa coronavirus disease ang 17 kandidata at staff ng pageant bago pa ang main event.
“After meeting with the virologists and medical experts hired to oversee the Miss World 2021 event and discussing with the Puerto Rico Health Department, the decision has been made by the organizers of the event to postpone the globally broadcast finale at the Puerto Rico Coliseum Jose Miguel Agrelot within the next 90 days,” ayon sa mga organizers ng pageant.
Nilinaw din ng mga organizers na sakabila ng ipinatutupad na mahigpit na health protocols para maging tiyak na ligtas ang iba pang mga kandidata, staff at audience kailangan umanong ilipat ng ibang araw ang coronation event.
“We are very much looking forward to the return of our contestants, (who we have grown to know and love), to compete for the Miss World crown” ayon kay Julia Morley, CEO ng Miss World Ltd.
Nito lang nakalipas na araw, kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez sa nakapasok sa Top 5 ng Miss World Beauty with a Purpose challenge.
Target ni Perez na masungkit ang ikalawang korona na unang naibigay kay Megan Young noong 2013.