Miles ayaw nang mag-share ng ganap sa love life

MASAYA si Miles Ocampo sa piling ni Elijah Canlas bagamat tumanggi ang actress-TV host na aminin kung nagkabalikan na sila ng award-winning actor.

Sa panayam ng mga reporter, umiwas si Miles na sagutin ang mga tanong ukol sa status ng relationship nila ni Elijah.

“We’re happy, we’re happy. Yun na lang po ang gusto kong i-share talaga kasi kaming dalawa, masaya naman po kami talaga,” ayon sa “Eat Bulaga” host.

“I feel like sa lahat ng nangyari, mas gusto na lang namin na tahimik na lang. Basta, ‘yun po ang maise-share ko, masaya kami,” dagdag ni Miles.

Kahit pa kulitin, dedma si Miles sa mga pang-uurirat kung nagkabalikan ba sila ni Elijah.

“Parang feeling ko, hindi naman kailangang malaman ng lahat as long as kung ano po ang nakikita n’yo na masaya kami, masaya kami,” sabi niya.

“Sorry, sobrang ingat lang po ako sumagot pagdating sa ganito kasi ayoko rin namang ma-feel nila na I’m using it dahil may show lang na pinu-promote,” paliwanag pa ng aktres.

Idinagdag ni Miles na gusto niya na maging pribado kung ano man ang mayroon sila ni Elijah.

“Gusto ko lang pong sabihin talaga na we’re happy right now at kung anuman po ang mga nangyari sa amin, sa amin na lang ‘yun,” sambit niya.

“Kumbaga, ‘di naman din kami madamot. Kung ano pong kaya naming i-share, ise-share namin, pero for now, masaya po kami,” sey pa ni Miles.