Michael na-bash sa ‘stranded’ post; misis umalma

IPINAGTANGGOL ng kanyang misis ang veteran actor na si Michael de Mesa na na-bash makaraan nitong mag-update ukol sa pagkaka-stranded niya sa baha noong kasagsagan ng bagyong Carina.

Ani Julie Eigenmann sa Instagram, hindi nagpapaawa ang mister sa publiko dahil alam nila na mayroon pang mas masahol ang lagay sa aktor.

“I understand that others are facing more diffucult situations, but that doesn’t diminish the distress he, a senior, is experiencing,” paliwanag ni Julie.

Payo niya sa bashers: “We should show empathy and support to everyone affected by the typhoon–human or animal. Let’s remember to be kind to one another, please.”

Matatandaan na inabot nang mahigit 22 oras si Michael sa loob ng sasakyan bago na-“rescue” ng tow truck.