Michael de Mesa na-strandred nang halos 1 araw dahil sa baha

HALOS isang araw nakulong sa kanyang sasakyan ang veteran actor na si Michael de Mesa bunsod ng baha na dulot ng bagyong Carina at ng habagat.

Ani Michael, hindi siya makausad dahil sa traffic at nasira ang kanyang kotse.

Sinabi ng aktor, sa post sa social media, naiiyak na siya dahil umaatake ang kanyang anxiety.

“Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home,” sabi niya.

Ayon sa aktor, galing siya sa taping at pauwi na ng bahay nang ma-stranded.

“Packed up at 2:30 pm…The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier. It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today,” sabi niya sa hiwalay na post.

Hindi na sinabi ni Michael kung anong oras na nahatak ang kanyang kotse at nakauwi.