SUMAKABILANG buhay ang singer ng Aegis na si Mercy Sunot, kinumpirma ng iconic band ngayong araw ng Lunes.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest,” anunsyo ng Aegis sa Facebook.
“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts,” dagdag nito.
Namatay si Mercy sa California habang ginagamot sa kanyang Stage 4 breast cancer and lung cancer.
Sa huli niyang TikTok video, inilahad ni Mercy na sumailalim siya sa operasyon sa baga at nasa intensive care matapos mahirapan siyang huminga.
“Tapos na yung surgery ko sa lungs. Pero biglang nahirapan akong huminga, so dinala ako sa ICU. May tubig, may inflammation sa lungs ko so ginagawan na nila ng paraan,” aniya.
“Ipag-pray nyo ko please para matapos na itong pagsubok na ito. Pag-pray niyo ako” dagdag niya.
Kabilang sa pinasikat ng legendary OPM band ang “Halik,” “Basang-basa sa Ulan,” at “Luha.”