Mayor dedma sa ligaw-issue kay Kathryn

HINDI itinanggi ni Lucena City Mayor Mark Alcala ang balitang nanliligaw siya sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, sinabi ni Ogie Diaz na tahimik si Alcala sa isyu.

“Walang sinabi. Dedma,” ani Ogie na sinabing nag-message siya sa mayor.

Nag-follow up siya at sinabing “dedma ha.”

Sumagot naman si Alcala at sinabing abala ito para sa kanyang State of the City Address o SOCA.

Gayunman, wala pa rin itong sagot nang muling uriratin ang tungkol kay Kathryn.

“Hindi siya sumagot. So, sabi ko, ‘True nga na nanliligaw ka Mayor kay Kathryn?’ Hindi pa rin sumagot,” chika ng showbiz insider.