HINDI na makapaghintay ang actress-beauty queen na si Maxine Medina na iluwal ang panganay nila ng businessman na si Timmy Llana.
Sa Instagram, ibinandera ng eight-month pregnant na si Maxine ang kanyang baby bump.
Sa caption, sinabi ng aktres na maraming nagbago sa kanyang katawan dahil sa pagbubuntis.
“I’m at 8 months getting heavier and heavier, my appetite has doubled, and I’ve got the whole package; breast tenderness, unwanted dark spots, a rounder face, back pains, swollen legs, feet arms, hands-you name it,” sey niya.
Gayunman, idinagdag niya na isasakripisyo niya ang lahat para sa kanyang baby.
“But here’s the deal : I can’t wait to meet my baby Zeke! I couldn’t be more excited,” wika ni Maxine.