Matutina pumanaw sa edad na 78

PUMANAW na ang beteranong komedyante na si Matutina, Evelyn Bontogon-Guerrero sa tunay na buhay, ngayong Huwebes, Pebrero 14, 2025. Siya ay 78.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Shiela Guerrero ang pagpanaw ng ina.

Nakilala si Matutina bilang sidekick/helper ni Donya Delilah sa 1970s sitcom na “John en Marsha” na pinagbidahan ni comedy king Dolphy at Nida Blanca.

Ayon sa pamilya, namatay ang aktres dahil sa acute respiratory failure. Matagal na rin nitong iniinda ang stage 5 chronic kidney disases at hypertension.