Matet de Leon: Paano malalaos di naman sikat

WA umepek ang mga patutsada ng mga bashers sa aktres na si Matet de Leon.

Tinawag ng isang Facebook user na “laos” si Matet makaraang lumabas ang edited video ng pagkampi niya Kyline Alcantara na kaalitan umano ni Carmina Villaroel.

Chika ng isang netizen, na naniwala sa “edited” video, maganda si Carmina at laos na si Matet.

“Hindi ko pinapansin ‘yang mga isyu kay Ate Mina, kay Kyline Alcantara, nadamay pa si Maui Taylor. Alam n’yo, pupwede ba, ‘wag kayong mang/damay sa mga isyu-isyu ninyo. Yung mga eme-eme n’yong ganyan, kasi ako, nananahimik ako,” pahayag ni Matet.

“Sasabihin pa akong laos nitong si Rossana Dimayuga. Paano malalaos e di naman sikat? O, hindi nalalaos ang hindi naging sikat. I-fact check n’yo muna, pinost ko ‘yan. Sinabi ko ‘yang phrase na ‘yan 2019. ‘Yang phrase na ‘yan is for a relative na hindi naman kagandahan, akala mo kung sinong mamintas. Pero siyempre, naka-move on na tayo dun,” dagdag ni Matet.

Nag-warning pa siya sa netizen na huwag siyang pagtripan.

“Wag n’yo akong pagtrripan kasi kapag ako nang-trip, hindi rin maganda,” babala ni Matet.