Matapos makalaya, Richard Cepeda ibabalik ni Coco Martin sa ‘Quiapo’

HULOG ng langit si Coco Martin para kay Richard Cepeda.

Sa isang panayam, isinapubliko ni Richard na nakausap siya ni Coco dahil ibabalik siya ng actor-director sa top-rated teleserye na “Batang Quiapo” para makabawi siya makaraang makulong nang ilang buwan.

“Don’t worry, ibabalik namin character mo sa ‘Batang Quiapo’ para makabawi sa finances mo,” sabi umano ni Coco kay Richard.

Ayon kay Richard, malaking tulong para sa kanya at sa pamilya ang pagkakaroon ng trabaho.

“Big relief sa akin na I’ve got a waiting job,” aniya.

Hindi naman sinabi ni Coco kung kailan magsisimulang mag-taping si Richard.

“Pero sure na,” sambit ng aktor.

Matatandaan na 11 buwan na nakulong sa Caloocan City si Richard dahil sa kasong syndicated estafa.

Itinanggi naman ng kampo ng aktor na may kinalaman siya sa kumpanya na nanggantso ng milyon-milyong piso sa mga investors.