Matapos ang breakup with Tom, Carla nagpa-tattoo

NAGPA-TATTOO sa likod ng kaliwang tenga ang aktres na si Carla Abellana sa gitna ng mga bali-balitang hiwalay na sila ng asawang si Tom Rodriguez.

Sa vlog, sinabi ni Carla na matagal na niyang gustong magpa-tattoo pero hindi matuloy-tuloy dahil sa pandemic.

“So, finally, the long wait is over…new year, new tattoo, why not?” sey ng aktres.

“I’m going to have my tattoo here behind my ear. They say it’s not as painful because it’s in a bone-y area, not enough fleshy area. Let’s hope that’s true,” dagdag niya.

Mapapanood sa video na sandali lang inabot ang pagta-tattoo ng artist mula sa Ukit Tattoo dahil maliit na heart lang ang ipinagawa ng aktres.