Mark Anthony nawalan ng trabaho dahil sa scandal?

NATANGGAL umano ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa isang ipalalabas na teleserye makaraang mag-viral ang kanyang eskandalosong video.

Ayon sa ulat ng Abante, kasama sa cast si Mark sa pagbibidahang serye nina Marco Gallo at Heaven Peralejo subalit pinalitan siya ni Dominic Ochoa.

Hindi naman sinabi kung saang network ipalalabas ang serye.  Base pa sa news item, ang mismong viral video ang itinuturong dahilan ng pagkakasibak sa kanya sa programa.

Kaugnay nito, kumakalat ang chika na bunsod ng nasabing “scandal” ay nagkaroon ng hidwaan si Mark at ang anak na si Grae.

Ayon sa mga marites, tila nahihiya si Grae, na kabilang sa cast ng ABS-CBN teleserye na “Pamilya Sagrado” sa isyu na kinasasangkutan ng ama.

Bukas ang publiko sa panig nina Mark at Grae.