Mark Anthony Fernandez sa viral video: Wala akong dapat ikatakot

INAMIN ni Mark Anthony Fernandez na siya ang lalaki sa iskandalosong video na pinagpiyestahan ng publiko ilang buwan na ang nakararaan.

Sa panayam ni Julius Babao, sinabi ni Mark na nagsalita na siya ukol sa “scandal” dahil hindi na masyadong pinag-uusapan ang isyu.

“Minabuti ko na pong maging silent muna kasi sari-sari ‘yung [comments] so hinayaan ko munang mag-[die down] nang konti,” paliwanag ng aktor.

Dagdag niya, nang unang lumabas ang video ay natakot siya sa sasabihin ng publiko. “Buti na lang ‘yung nabalitaan ko lahat ay maganda. So walang dapat ikatakot. So nakahinga na ako.”

Kaugnay nito, i-chinika ni Mark na kaibigan niya ang nagpakalat ng video.

“Ang nangyari ay mano-manong hack sa party ng mga tropa kong babae kaya nagkaroon po ng leakage…na-open [ang cellphone] at nakuha [ang video],” sabi niya.

Klinaro rin ni Mark na hindi eksena sa pelikula ang laman ng video.

“Lumang video na siya ng adventure namin ‘nung GF ko po noon time na ‘yun,” sabi niya.

Gayunman, sinabi ni Mark na may ilang bahagi na edited.

“Yung kamukha ko, ako ‘yun pero ‘yung hindi nakikita mukha ko, hindi ako ‘yun,” sambit niya.