INANUNSYO ng aktres na si Maris Racal na “over” na ang relasyon nila ng singer-songwriter na si Rico Blanco.
Ginawa ni Maris ang pahayag sa isang press conference ngayong Biyernes, Hulyo 12.
“Rico and I are over,” ayon sa maluha-luhang aktres.
Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2021 matapos ang isang single collaboration noong 2019.